Habang ang aking isipan ay lumilipad sa malayong kalawakan (sakay ng bulok na FX papuntang Cubao) ay nasagap ng aking tainga ang kantang Imposible ni KC Concepcion. Nung una akala ko , masyadong malayo ung title ng kanta sa content nya. Well, pagkatapos ko marinig ang kantang yun, nanariwa na naman ang mga ala ala.
Minsan masyado talagang malupit ang tadhana, lalo na sa pagibig. Perfect na, swak na swak na.. akala mo siya na soul mate mo at gang langit kayo pa rin.. Inalagaan ang pagmamahal na nagsimulang mabuo sa pagkakaibigan, biruan at barahan.. That one great love has been nurtured until it grew and bore fruit. This is the reason why my civil status changed from "Single" to "Single Parent" .. todo todong pagmamahal na halos pati kaluluwa naibigay mo na.. mapasaya lang ang siya. Totoo din na pag nabuntis ka, (ung out of love talaga ha) para kang Immaculate Conception. Immaculate dahil halos winorship ka nung tao.. Alang away.. ala lang--- un ang problema.
I fell in love with a bummer, a weakling. I'm sorry for myself, but I felt sorrier for him.. He has been a good sailor but I have worked hard to be the captain behind the wheels. He anchored me to prevent me from shining and growing. Our son grows up quickly while he grows down. It is really hard and frustrating na after all the trials we've been through, di man lang naka ipon ng tapang para ipaglaban ako- kami.. Oo, di ko gusto ng gulo, pero di ibig sabihin na hindi ako matutuwa kung magkaroon man lang ng paninindigan at disposisyon. Oo, naiintindihan ko na nagkaron siya ng kung anu anong depekto, depresyon, gang sa naging psychologically incapacitated siya di lang sa relasyon pati sa career. Kung baga, na inlove ako sa hari ng sablay-- and it was too late before I realized that.
Mahirap pakawalan ang isang totoong pag-ibig, pero aanhin mo ang pagibig na totoo kung mamatay ka na sa gutom? Kung masisira lahat ng pangarap mo dahil ung supposedly partner mo eh tumigil na ang pag ikot ng mundo dahil sa mge oige open-ended issues sa buhay? Di pwede.. di pwede un para sa mga taong may ambisyon katulad ko.. lalo na at may anak ako, di pwede ganun na lang un.. Di ako pinag aral ng mga magulang ko for four years para lang mapako
Masakit? Bitter? 2 boteng Red Horse lang katapat nun! Painful? Di na masyado ngaun. Tanggapin na lang natin na di tlaga binibigay ng MayKapal ang lahat ng gusto natin. Kelangan meron tayong paghirapan, at pagtiisan, meron din namang agad agad binibigay pero may maaapektuhan namang tao..
Ngiti lang.. pilitin ngumiti at simulang mahalin ang sarili.
Tuesday, August 5, 2008
Subscribe to:
Comments (Atom)